HINDI kinaya ng “powers” ni Alden Richards ang bakbakan nila sa rating games ni Coco Martin kaya in-announce na ng Kapuso network na hanggang sa Biyernes, November 16, na lang ang telefantasyang Victor Magtanggol ni Alden.

Alden

Halos tatlong buwan lang napapanood ang Victor Magtanggol, na umere nitong July 30, 2018, habang ang FPJ’s Ang Probinsyano ay tatlong taon nang namamayagpag sa ABS-CBN Kapamilya primetime slot.

Subalit ayon sa GMA-7, kaabang-abang ang finale week ng Victor Magtanggol dahil mas maaksiyon ito at masasagot na ang mga tanong sa kuwento. Malalaman na ba ni Loki (John Estrada) na si Hammerman (Alden) ay si Victor Magtanggol?

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

Bagamat nilinaw ng production staff ng Kapuso primetime series na talagang three months ang intended run ng serye at hindi ito na-cut short, malinaw naman na hindi na ito na-extend.

Sabi ni Alden, sobrang fulfilled naman daw siya sa Victor Magtanggol dahil nagawa niya rito ang lahat ng hindi pa niya nagawa sa mga nakaraan niyang teleserye.

Ang dami kasing stunts dito na si Alden mismo ang gumawa at hindi siya nagpa-double.

“’Yun po ang nakakadagdag sa achievements sa Victor Magtanggol, eh. Hindi lang ‘yung bilang aktor.

“At least po, ang dami ko pong nagagawa dito na hindi ko po dati nagagawa sa ibang soap.

“Espesyal po ito, kasi action, plus talagang... normally po, tinatanong ko si Direk Dom [Dominic Zapata] saka ang EP ko po, si Ms. Mona, na kung puwede, ako na po ang gagawa ng stunts.

“Kung puwede, as much as kaya. So, as much as possible po, ako po lahat,” kuwento ni Alden.

Ang isa pang na-treasure nila nang husto ay ang magandang samahan nila sa set.

Hindi raw nila ininda ang magdamagang taping dahil masaya silang lahat sa taping.

“Ito po yung set na parang gigising ka nang maaga, magte-taping ka ng alas-sais, alas-siete, pero nilu-look forward ko ‘yung set, na parang looking forward ka na pumasok na at makikita mo ulit yung mga tao na you share the same fire and the passion po to execute great material.

“’Yun pong motivation ko lagi. Hindi na po ‘yung pagod nung last taping. Hindi na po ‘yung puyat, [kundi] ‘yung mga katrabaho mo. Kasi, iba po yung energy dito sa set, e,” dagdag ni Alden.

Balita ring ang seryeng Cain at Abel, na pinagbibidahan ng Kapuso prime actors na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo ang susunod na ipantatapat sa Ang Probinsyano.

-ADOR V. SALUTA