NAKAKATUWA ang video ni Ken Chan na kuha malapit sa crater ng Taal volcano dahil in character siya bilang si Boyet, ang karakter niya sa Afternoon Prime ng GMA-7 na My Special Tatay.

Jestoni, Ken, at Lilet copy

Sinabi ni Ken, sa karakter ni Boyet, na nawawala siya at nananawagan siya kina Jestoni Alarcon at Lilet, gumaganap na mga magulang niya sa My Special Tatay.

Nakakaaliw dahil sumagot si Lilet sa video ni Ken, at in character din siya bilang si Isay: “Nakkkkuuu, ayan kasi nag-sikret ka na naman sa Nanay, ayan tuloy naligaw ka. Paano kita susunduin, hindi ko maiwan c baby angelo anak, walang bantay. Hanap ka ng mamang pulis, pahatid ka sa bahay natin sa tenement.”

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Ang masaya pa, sumali si Jestoni sa usapan, bilang si Edgar naman: “Ikaw kasi anak sana sinabi mo gusto mong pumunta dyan sa bulkan nag eroplano na sana tayo @akosikenchan.”

Maraming sumusubaybay sa My Special Tatay dahil gusto nila ang takbo ng istorya sa lalaking may Mild Intellectual Disability o MID at maraming natututunan ang viewers mula rito. Dagdag din ang husay sa pag-arte ng buong cast.