Maglulunsad ng hiwalay na imbestigasyon ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa pagkakapuslit ng P11-bilyon halaga ng shabu sa Bureau of Customs (BoC).

Ito ang tiniyak ni PACC Chairman Dante Jimenez matapos niyang ihayag na hindi kuntento ang kanyang tanggapan sa pagsisiyasat ng Senado at Kamara sa pagkakadiskubre sa apat na magnetic lifters sa Cavite, na sinasabing pinaglagyan ng nasabing kontrabando, noong Agosto.

Matatandaang lumikha ng bangayan sa pagitan ng BoC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasabing usapin dahil sa magkasalungat na pahayag ng dalawang ahensiya tungkol sa pagsisilid ng shabu sa mga magnetic lifters.

-Fer Taboy
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race