TOKYO — Nais na patikimin ng kanyng kamao ni Floyd Mayweather ang Japanese kickboxer na si Tenshin Nasukawa sa Dec. 31 sa Saitama, Tokyo.
Si Mayweather na may clean slate na 50-0 sa kanyang boxing career ay nguyon pa lamanmg makakranas na sumagupa ng MMA player sa ilalim ng MMA rules, sa kabila ng kanyang paglaban noong nakraang taon kayr MMA fighter na si Conor McGregor.
Ngunit inamin ng Japanese promoter na RIZIN Fighting Federation na wala pang napapalantsang rules sa nasabing weight class.
“We still have some work to do,” ayon kay Nobuyuki Sakakibara, ang chairman ng RIZIN.
Ayon naman kay Nasukawa, nais niyang siya ang maging unang magklalaro na magmamantsa sa malinis na rekord ni Mayweather kung sakali.
“Nobody has defeated my opponent in the past, and I would like to be the man who makes history,” ayon kay Nasukawa. “My punch can change history. And I will show that to you. So please stay tuned.”
Kamakailan din ay ipinahayag ni Mayweather, ang kanyang kagustuihan na magkaroon ng rematch kay Manny Pacquiao.
“I think he’s young, very strong and very fast and he’s undefeated so it’s obvious he’s doing something right.”