NAKITA namin ang picture nina Elmo Magalona a t Janella Salvador kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, bago ang show nila sa Canada. Magkatabi at nakangiti sina Elmo at Janella, pero kitang pilit ito, malayo sa “tunay na ngiti” nina Daniel at Kathryn.

Elmo,-Janella,-Kath-at-Daniel

Kung titingnang mabuti sina Elmo at Janella, hindi lang pilit ang kanilang mga ngiti, pansin din ang lungkot sa kanilang mga mata. At ang ngiti nila, halatang basta ngumiti lang.

Kapansin-pansin din ang distansiya sa pagitan nila. Kung dati ay nakaakbay si Elmo kay Janella sa mga litratong magkasama sila, sa latest picture nila ay nasa likod ang mga kamay ni Elmo, habang nasa harap naman ang mga kamay ni Janella, at may hawak na cell phone.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Wish ng ElNella fans na habang nasa Canada sina Elmo at Janella ay makapag-usap ang dalawa at ayusin ang dapat nilang ayusin.

May nag-comment nga na sana, sa pagbalik sa Pilipinas nina Elmo at Janella ay friends na uli sila, kahit pa hindi na sila magkabalikan.

-NITZ MIRALLES