SOBRANG panalo ang 2018 Halloween costume ng Dantes family this year.

Marian, Zia, at Dingdong copy

Sabi nga ni Dingdong Dantes: “This year, we decided to join the OTHER side. #Halloween2018 #TeamDantes.”

Noong 2017 Halloween kasi ay mababait na characters ang ginaya nila nina Marian Rivera at Zia. Last year nga ay Batman family ang peg nila, pero this year ay mga villain naman ni Batman ang ginaya ng pamilya Dantes.Si Dingdong ay si Riddler, si Zia ay si Joker, at si Marian si Poison Ivy.Sabi ni Marian tungkol sa character ni Zia: “Most of the time, she is the JOKER of the family.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Sabihin pa, mas click si Zia sa netizens, at lahat natuwa sa kanya, lalo na sa series of photos na ipinost ni Dingdong kung saan in character si Zia as The Joker. Puro positive ang comment na nabasa namin at ang views ng pictures ni Zia sa IG ni Dingdong ay umabot na sa 196,910. Sa IG ni Marian, may 367,186 views and likes na ang picture ni Zia.

Ang taray nga ni Zia dahil na-feature pa siya sa Rappler, tinalo pa ang ibang celebrities. Nawala rin ang network war ng ABS-CBN at GMA-7 kay Zia dahil na-feature rin siya sa ABS-CBN.

Samantala, positive rin ang feedback ng netizens sa post ni Dingdong na BTS ng taping nila ni Dennis Trillo ng action-drama ng GMA-7 na Cain at Abel. Excited na ang fans ng dalawa na mapanood ang teleserye na unang pinagsamahan nina Dingdong at Dennis na malapit nang mapanood.

Hinihintay si Dingdong mag-post ng experience niya sa taping after mag-post ni Dennis na sa eksenang tumalon siya sa tulay sa Sta. Cruz, Laguna, at nalasahan niya ang ihi at dumi ng tao sa tubig.

-Nitz Miralles