"If only I was there, I could have help them," ito ang maluha-luhang na pahayag ni Allan Baricuatro nang mabalitaan na nasawi ang kanyang misis at apat na anak nang masunog ang kanilang lugar sa Purok 4, Zone 2, Fuentes, Barangay Maria Cristina, Iligan City, Lanao del Norte, kamakailan.

Aniya, mag-isa na lamang siya sa buhay matapos ang sinapit ng kanyang pamilya.

Kahapon, nagtungo sa Maynila si Baricuatro, 46, upang sumailalim sa medical examination bago ito bumalik sa kanyang trabaho sa ibayong-dagat ngayong buwan.

Sinabi niya na ngayong araw sana ang kanyang pre-departure orientation seminar (PDOS), ngunit hindi ito natuloy dahil sa insidente.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

"Maybe I could have acted upon and would be able to help them," aniya.

Bukod sa asawang si Lilibeth Baricuatro, 31, nasawi rin ang mga anak nito na sina Frances Bernard, 15; Jathan Alan, 10; Nathaniel, 7; at Xander Ram 7.

Magkakahiwalay ang bangkay ng mga ito nang nadiskubre sa banyo at kuwarto ng kanilang bahay, nitong Martes.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang apoy sa ibang bahagi ng bahay ng isang Jocelyn Alcover, na inookupahan ng mag-iina.

-BONITA L. ERMAC