POSITIVE ang reaction ng fans sa nabasang tweet nina Janine Gutierrez at Liza Soberano na gusto nilang makatrabaho ang isa’t isa. Kung ang fans lang ang masusunod, gusto nila ay ngayon na magkaroon ng project ang dalawang aktres.

Liza at Janine copy

Unang binanggit ni Liza na wish niyang makatrabaho si Janine nang tanungin siya kung sino sa rival network ang gusto niyang makasama sa isang project.

“I’m really open to working with anyone,” sagot ni Liza. “One person I’m obsessed with is Janine Gutierrez.”

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Na-tag si Janine sa sagot ni Liza, at kaagad na nagkomento ang aktres: “Nooo, I’m obsessed!!! It’d be the dream to work with you.”

Dahil sa sagot ni Janine, nanawagan ang fans sa Regal Entertainment at Star Cinema na tuparin ang dream nilang magsama sa pelikula ang dalawa sa pinakamagagandang aktres sa bansa. Contract star kasi ng Regal Entertainment si Janine, habang talent naman ng Star Cinema si Liza.

Sa TV, malabong magkasama sina Janine at Liza dahil may kontrata ang una sa GMA-7, habang contract star naman ng ABS-CBN si Liza.

Anyway, nagkita na sina Janine at Liza sa 2017 Star Magic Ball nang imbitahan ni Rayver Cruz si Janine para isama sa ball. May picture pa nga sila na naka-pajama na si Liza, at ang caption niya: “Finally got to meet the beautiful @janinegutierrez.”

-Nitz Miralles