KABUL (AFP) – Tinarget ng isang suicide bomber ang bus na sakay ng mga empleyado ng pinakamalaking kulungan sa Kabul na ikinamatay ng pitong katao kahapon, sinabi ng mga opisyal, sa huling pag-atake sa kabisera ng Afghanistan.

Limang iba pa ang nasugatan sa pagsabog malapit sa pasilidad, na ayon kay police spokesman Basir Mujahid ay tinamaan ang behikulo na sinasakyan ng mga empleyado ng Pul-e-Charkhi prison.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline