WASHINGTON (AFP) – Kinasuhan ng United States ang 10 Chinese, kabilang ang dalawang intelligence officers, kaugnay ng limang taong scheme para nakawin ang teknolohiya ng aerospace firms sa United States at France sa pamamagitan ng hacking.

Isinampa ang kaso may 20 araw matapos na makuha ng Department of Justice ang extradition ng isang senior Chinese intelligence official mula sa Belgium para litisin sa United States dahil sa pagpapatakbo ng umano’y state-sponsored effort para nakawin ang mga sekreto ng US aviation industry.

Sinabi ng Justice Department na ang Chinese Ministry of State Security, sa pamamagitan ng kanyang Jiangsu province unit, ang nagmaniobra ng pagsisikap na manakaw ang teknolohiya sa turbofan engine na ginamit sa US at European commercial airliners.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Dine-develop ang makina katuwang ang French aerospace manufacturer na may opisina sa Suzhou, Jiangsu province at isang US firm, ayon dito.