NAGBALIK si Charo Soriano na isa uling kampeon.

Sa pakikipagtambalan kay Bea Tan, nakamit ng dalawa ang women’s title, habang nadomina nina KR Guzman at Ian Yee ang men’s side sa pagtatapos ng BVR Tour El Nido edition kahapon sa Lio Beach sa El Nido, Palawan.

Ginapi nina Soriano at Tan sina Perlas’ Dzi Gervacio at Roma Doromal para makumpleto ang 6-0 sweep sa dalawang araw na torneo.

Nanaig naman ang University of Santo Tomas alums na sina Guzman at Yee kontra DAF-ARMM Hach Gilbuena at Edmar Flores.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ito ang ikalawang kampeona ngayong taon para kay Soriano, huling naglaro sa Santa Ana Open nitong Hunyo.

Naging doble ang selebrasyon sa kampo ni Guzman, dating UAAP champion, matapos pumasa sa electronics engineer licensure examinations nitong Biyernes.