Mga Laro Ngayon

(Alonte Sports Arena)

4:30 n.h. -- Blackwater vs Columbian Dyip

6:45 n.g. -- Rain or Shine vs San Miguel Beer

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

PORMAL na umusad sa susunod na round ang tatangkain ng San Miguel sa pagsabak nila ngayon kontra Rain or Shine sa 2018 PBA Governors Cup na idaraos sa Alonte Sports Arena sa Biñan City sa Laguna.

Nasa solong ika-4 na puwesto taglay ang barahang 5-4, target ng Beermen ang spot nila sa top 8 sa pamamagitan ng pagsungkit ng ika-6 nilang panalo.

Ligwak na sa playoff round sa hawak nilang barahang 2-7, tatangkain na lamang ng Elasto Painters na mapaganda ang kanilang marka sa pagtatapos ng kanilang kampanya ngayong season.

Sa tampok na laban, tatangkain naman ng Blackwater na tumabla sa Phoenix na kasalukuyang nagsosolo sa ikalawang posisyon hawak ang barahang 7-3, kasunod ng mga namumunong Ginebra at ng Magnolia at Alaska (7-2) na mayroong laro kahapon habang isinasara ang pahinang ito.

Naghahabol ng puwesto sa top 4 para sa bentaheng twice-to-beat sa quarterfinals, pinapaboran ang Elite sa pagsalang nila kontra sibak ng Columbian Dyip.

-Marivic Awitan