BENGUET – Buhay at kailanman ay hindi malilimot ang katutubong tradisyon, higit ang uri ng mga laro na maituturing yaman at dangal ng mga mamamayan ng Benguet.

TINANGGAP ni Benguet Governor Crescencio C. Pacalso (ikalawa mula sa kaliwa) ang t-shirt ng IP Games bilang simbolo nang pagkakaisa at matibay na ugnayan sa Philippine Sports Commission (PSC) na kinatawan sa courtesy call nina (mula sa kanan) Senior Executive Manny Vitug, Executive Asst. to PSC Commissioner Karlo Pates at Sports Officer Charlie Esquivel. (PSC PHOTO)

TINANGGAP ni Benguet Governor Crescencio C. Pacalso (ikalawa mula sa kaliwa) ang t-shirt ng IP Games bilang simbolo nang pagkakaisa at matibay na ugnayan sa Philippine Sports Commission (PSC) na kinatawan sa courtesy call nina (mula sa kanan) Senior Executive Manny Vitug, Executive Asst. to PSC Commissioner Karlo Pates at Sports Officer Charlie Esquivel. (PSC PHOTO)

Ito ang siniguro ng Philippine Sports Commission (PSC) at sa pakikipagtulungan ng local na pamahalaan, sa pangunguna nina Governor Crescencio C. Pacalso, ay ilalarga simula ngayon ang Indigenous Peoples Games.

Ito ang ikaapat na leg ng cultural/sports development program ng PSC, sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez. Si Commissioner Charles Maxey ang commissioner-in-charge sa programa na una nang ginanap sa Davao del Norte, Lake Sebu sa Cotabato at Ifugao.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon Kay Pacalso, isang malaking inspirasyon para sa mga katutubo ang proyekto na naglalayon na mabigyan ng pansin ang mga katutubong laro ng mga pinagpipitaganang tribu sa bansa

“Isang malaking inspirasyon itong ginagawa ng PSC para makilala muli ang mga katutubong laro at mabigyan ng pagkakataon ang mga tribu natin na maipakita ang kanilang galing,” pahayag ni Pacalso.

“Binibigyan nila ng kahalagahan itong mga sarali nating mga laro. So

from there magiging regular na ang pagdaraos namin ng IP Games ditto,” aniya.

Nasa kabuuang 500 kabataan ang nagpatala sa paglahok sa IP Games na magtatampok sa mga katutubong laro na pakwel, sidling aparador, sidling bado, patintero, tiklaw, prisoner’s base, palsi-it, kadang-kadang, ginuyudan,kayabang, pangke, sanggol, pallot, dad-an di pato, songka, at dama.

Gagawin naman demonstration sports ang Kin-notan at chinese entrance.

May tatlong dibisyon ang IP Games – elementary, high school at open.

Tiwala naman si Kapangan Mayor Manny Fermin na muling masusundan ang nasabing event na magaganap mismo sa kanyang kinasasakupang lugar kung saan lubos din ang kanyang pasasalamat sa PSC.

“Actually, this is a very good undertaking since ang ating mga kabataan ay nalilimutan na ang mga indigenous games natin dahil sa mga gadgets,” ani Fermin.

Bukod ditto, magsasagawa din ang PSC ng Indigenous Peoples

Forum at IP Photo Exhibit at isang Photo Contest kasabay ng IP Games.

-ANNIE ABAD