NAGHIHINTAY ang P2.5 milyon cask incentives kay Filipino-American Kite Boarder Christian Tio matapos masungkit ang silver medal – tanging medalya na napagwagihan ng National Team – sa nakalipas na Youth Olympic Games (YOG) sa Buenos Aires Argentina.
Batay sa RA 10699 (Incentives Act) tatanggap ng insentibo sa mga atleta na nagkamit ng medalya buhat sa World at Asian level.
“I’m very happy with this win. I was a bit nervous at first but the wind was very cooperative that i was able manage my move,” pahayag ng 17-anyos na si Tio.
Pinasalamatan ni Tio ang ina na si Liezl Mohn na siyang nagpakilala sa kanya sa sports.
“It was really my mom who got me into Kite Boarding. It was just a hobby then but when i started competing i begun to love the sports,” aniya.
Plano ni Tio na tumulong sa pagpapakilala ng Kite Boarding sa bansa upang magkaroon ng pagkakataon sa mga kabataan na nais sumabak sa nasabing sports.
“I really want to encourage everyone to try this sports. We are going to tour around the Philippines to promote Kite Boarding and show everyone how exciting this sports is,” pahayag ni Tio.
-Annie Abad