Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

2:00 n.h. -- Ateneo vs UE

4:00 n.h. -- UP vs FEU

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Standings W L

AdU 7 2

Ateneo 7 2

FEU 5 4

DLSU 5 4

UST 4 5

UP 4 5

NU 3 6

UE 1 8

MAKAALPAS pansamantala sa pagkakahugpong sa Adamson sa liderato ang tatangkain ng defending champion Ateneo de Manila sa pagsagupa sa University of the East sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament ngayon sa Araneta Coliseum.

Ang muling pagtatapat ng co-leader at ng cellar dweller na karibal ay nakatakda ganap na 2:00 ng hapon bago ang huling salpukan sa pagitan ng University of the Philippines at Far Eastern University.

Inaasahang maglalaro ngayon para sa Blue Eagles ang dating 2-time Mythical Team member na si Thirdy Ravena matapos masuspindi, habang wala pang opisyal na pahayag ang ateneo hingil sa pagbabalik ng kambal na sina Mike at Matt Nieto na kasalukuyang nagre-recover matapos dapuan ng Denque.

Manggagaling ang Blue Eagles, kasalukuyang kasalo ng Adamson University Falcons sa pangingibabaw taglay ang parehas na 7-2 marka sa 82-62 panalo kontra FEU Tamaraws sa pamumuno ni Ivorian big man Angelo Kouame na kumamada ng 33 puntos at 27 rebounds.

Nalugmok naman ang Red Warriors sa ilalim ng standings makaraang malasap ang ikawalo nilang kabiguan sa pang siyam nilang laban kontra University of the Philippines Fighting Maroons, 81-94.

-Marivic Awitan