May 22, 2026

Home BALITA

Rep. Pulong, tinuligsa si SP Sotto sa tindig sa PH-China joint oil exploration

Rep. Pulong, tinuligsa si SP Sotto sa tindig sa PH-China joint oil exploration
Photo Courtesy: via MB

Binuweltahan ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte si Senate President Vicente “Tito” Sotto III kaugnay sa posisyon nito sa posibleng joint oil exploration ng Pilipinas at China. 

Matatandaang namamag-asa si SP Sotto na magtagumpay ang panukalang joint oil exploration hindi kagaya ng nangyari noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, “Sen. [Gregorio] Honasan, [Panfilo] Lacson and I, together with Ed Mañalac, proposed that to PRRD during his early years as President. [Executive Secretary Salvador] Medialdia was there. They agreed to our proposal, but nothing came out of it.” 

Kaya sa latest Facebook ni Rep. Pulong nitong Martes, Abril 7, kinuwestiyon niya tila biglang pagbabago sa tono ng Senate President hinggil sa nasabing isyu.

“Noon, matapang ang tindig mo laban sa China. Ngayon, biglang gusto mong itulak ang joint exploration—at sinisisi pa ang nakaraang administrasyon kung bakit hindi ito natuloy. Ano ba talaga, kuyang?” saad ni Rep. Pulong.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Dagdag pa niya, “Naalala mo pa Si Tariella ng PCG? Ang binigyan ng go signal para umusig laban sa China? Tahimik ka noon. Ngayon, bigla kang maingay? Out of the blue, nag-iba ang tono?”

Bukod dito, pinayuhan ng kongresista si SP Sotto na huwag maliitin ang China.

Aniya. “Hindi madaling maloko ang China; alam nila kung sino ang consistent at kung sino ang pabago-bago ng posisyon. At higit sa lahat, hindi rin dapat niloloko ang Pilipino."

“Kung paninindigan ang prinsipyo, panindigan hanggang dulo. Hindi ‘yung kahapon kontra, tapos ngayon kampi—depende sa kung saan mas may pakinabang,” dugtong pa ni Rep. Pulong.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon o pahayag na inilalabas si SP Sotto bilang tugon kay Rep. Pulong.