NAPANATILI nina defending champion engineer Vergel Recaido, IJ Gonzales, Bok Ungria at Dennis Tecson ang malinis na kartada matapos masargo ang ika-2 sunod na panalo para makausad sa third round sa pagpapatuloy ng 7th annual J&P 10-Ball Cup Championships Sabado ng gabi sa Superbowl Makati Cinema Square sa Makati City.

Si engineer Recaido, presidente ng Copper Electronics Expertise, Inc., ay nagpakitang gilas matapos manaig kontra kay Elman “Aris” Sacayanan, 7-2, habang nakalusot naman si IJ kontra kay DMC Entertainment and Production management boss Jesse Gonzales Cambosa Sr., 6-4, nagwagi naman si Ungria kontra kay world-renowed blogger Leslie “Anitokid” Mapugay, 6-1, at namayani naman si Tecson kontra kay Dean Dayuday, 6-4, sa event na pinangasiwaan ni tournament director Allan Soliman na may total prize fund P100,000.

“I’m just lucky because the ball always favor on my side,” sabi ni engineer Recaido na una munang dinaig si Momer Meteoro, 7-4, sa opening round Biyernes ng gabi.

Pinangasiwaan ni World Champion Rubilen Amit and Esteban Robles ng Bitchip Crypto Currency ang opening ceremony sa torneo na itinataguyod ng Puyat Sports at MAPPA (Makati Pool Players Association).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!