INAABANGAN na ng mga manonood ang unang pelikulang pagsasamahan nina Maine Mendoza at Coco Martin, ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, with Vic Sotto, na isa sa walong entries in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF).

Maine copy

Inilarawan ni Maine si Coco na “gentleman”.

“Marami akong na-discover sa kanya, kasi first time ko rin to work with him, and sobrang bait niya. Sobrang gentleman niya,” kuwento ni Maine. “Nakakatawa kasi hindi niya ako trinato na parang iba kahit bago ako sa showbiz at kahit taga-Seven ako.”Dahil sa naging karanasan niya working with Kapamilya actor like Coco, Maine expressed her interest in accepting more opportunities that would let her work with talents from ABS-CBN.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Basta kung sino ‘yung hindi ko pa nakakasama, gusto ko rin ma-experience [na makatrabaho]. Lalo na kahit ‘yung mga artista from the other network, para maiba naman.”

Ayon pa kay Maine natapos na raw ang shooting ng kanilang film last Sunday, October 14, and looking forward ang aktres na mapanood ang kanilang finished product.

“Sobrang cliche din man pakinggan, pero pinaghirapan din [‘yung movie],” she remarked. “Na-enjoy ko siya. For some reason na enjoy ko siya.”

Maine then hoped the film wouldn’t be her last action flick in her filmography.

“Sana makagawa ako ng legit na action film,” pagtatapos pa ni Maine.

-Ador V. Saluta