FOLLOW-UP ito sa relasyong Elmo Magalona at Janella Salvador, na ng kuwento sa amin ng taong nakakaalam ng tunay na estado nila ngayon ay “civil silang dalawa now.”

Janella at Elmo

Sila pa ba?“Basta civil sila ngayon, feeling ko inaayos naman nila,” tipid na sagot sa amin.

Ang pinaghahandaan daw ng ElNella ay ang One Magical Tour 2018 nila kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, sa Vancouver (November 2) at Toronto (November 10).

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Malalaman kung okay na sila sa ilang araw nilang magkasama sa ibang bansa, at kung maibabalik ang dati nilang magandang relasyon as boyfriend and girlfriend.

Bagamat tuloy pa rin ang love team nila na ElNella ay hindi pa rin napag-uusapan ang next project ng dalawa dahil nga sa nangyari sa kanila.

Pero ang sigurado ay may ipi-pitch kay Janella na pelikulang hindi kasama si Elmo, at abangan kung sino ang leading man niya.

Nagbigay kami ng mga pangalan na posibleng makasama ni Janella, tulad nina Jameson Blake at Marlo Mortel, na naka-love team na ng aktres, pero hindi kami sinagot.

“Abangan mo na lang,” sabi sa amin.

-Reggee Bonoan