MULING ipagtatanggol ni world rated Richard Pumicpic sa Japan ang kanyang WBO Asia Pacific featherweight title laban sa walang talong si Musashi Mori sa Nobyembre 25 sa Aioi Hall, Kariya, Japan,

Natamo ni Pumicpic ang WBO regional title nang talunin sa puntos si two-time world title challenger Hisashi Amagasa noong Setyembre 29, 2017 sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo.

Unang naipagtanggol ni Pumicpic ang titulo ng palasapin ng unang pagkatalo si Yoshimitsu Kimura nitong Abril 12 sa Korakuen Hall.

Inaasahang mahihirapan si Pumicpic laban sa sumisikat na 18-anyos na si Mori na may perpektong kartada na 7 panalo, lahat sa pamamagitan ng knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sumikat muna sa super bantamweight division si Pumicpic nang matamo ang WBC International title nang talunin si 8th round technical decision ang kababayang si world rated Joe Noynay pero natalo sa puntos kay Mexican two-time world title challenger Cesar Juarez sa Cabo San Lucas, Mexico kaya umakyat siya ng timbang.

May rekord ang 28-anyos na si Pumicpic na 21-8-2 a may 6 pagwawagi sa knockouts at nakalista No. 9 contender kay WBO featherweight champion Oscar Valdez ng Mexico.

-Gilbert Espeña