LONDON (Reuters) – Hinamon ng British police nitong Huwebes ang web companies na pag-igihin ang pagpapatrulya sa online sex trade matapos ipahayag ang dose-dosenang pag-aresto at pagsagip sa 90 pinaghihinalaang slaves sa crackdown.

Nakatuon ang nationwide anti-slavery operation, isinagawa sa loob ng mahigit dalawang linggo, sa paggamit ng traffickers sa adult sites para ipatalastas ang kanilang mga biktima, at nagresulta sa pagkakaaresto sa 73 katao, sinabi ni National Crime Agency (NCA), ang katumbas ng FBI sa Britain.

Mula sa Britain at United States hanggang sa Pilipinas at India, mas maraming tao ang ikinakalakal, karamihan sa pamamagitan ng social media at advertising sites na bigong matugunan ang problema, sinabi ng campaigners.

“Adult service websites … provide offenders with the ability to easily advertise multiple victims, increase the amount of sexual services victims are forced to provide and maximize criminal profits,” ani Tom Dowdall ng NCA.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Sinabi ng NCA deputy director na nakikipagtulungan ang ahensiya sa sites para ituro ang mas mabisang pagtukoy sa abusive adverts, ngunit ang pagsasara lamang ng websites ay maaaaring magtulak sa traffickers at kanilang mga biktima na mag-underground o kumilos nang pasikreto.

“We also want social media companies to do more than just report once they have found something wrong … because by then it is too late,” ani Dowdall sa Thomson Reuters Foundation.

Libu-libong adverts para sa sexual services ang ipinapaskil online bawat buwan sa Britain – kung saan legal ang bumili at magbenta ng sex ngunit ipinagbabawal ang panghihingi o pambubugaw -- ayon sapulisya.

Nakatanggap ang NCA ng 5,145 ulat ng mga posibleng alipin noong nakaraang taon – tumaas mula sa 3,804 noong 2016. Isa sa tatlo ang pinaniniwalaang sexually exploited at ang mga biktima ay nagmumula sa Albania hanggang Vietnam, China hanggang Nigeria, at pinakamarami sa Britain.

“The rise of adult services sites has made things more challenging,” ani Phil Brewer, hepe ng Metropolitan Police’s anti-slavery squad, nitong Huwebes bago ang Anti-Slavery Day, na itinayo ng British parliament para ipalaganap ang kamalayan.

Sinabi ni Prime Minister Theresa May sa web firms na dagdagan ang mga pagsisikap para mapigilan ang pagbebenta ng mga alipin sa online. Hinimok naman ng ethics watchdog ang gobyerno na parusahan ang sites na mabibigong tanggalin ang illegal content, tulad ng child sex abuse.