LIMANG kabataang babae at lalaki ang pinasikat ng Sampaguita Pictures noong 1966, at binansagan silang Stars 66. Kabilang dito si Gina Pareño, na sa edad na 68 ay aktibo pa sa pagganap. Tiyempo namang sa showing ng bago niyang pinagbibidahang pelikula na Hintayan sa Langit ay ipagdiriwang niya ang kanyang kaarawan.

Gina copy

Kakaiba ang istorya ng Hintayan sa Langit, na sa unang pagkakataon ay magiging leading man ni Gina si Eddie Garcia, na produkto rin ng Sampaguita Pictures. Idinirek ito ni Dan Villegas, na unti-unting gumagawa ng pangalan as a young, brilliant director.

Kuwento ni Gina, sa simula pa lang ng istorya ay patay na sila ni Eddie. Mga kaluluwang nasa Purgatoryo kasi ang role nila, at naghihintay silang mailipat sa langit.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Noong nabubuhay pa kami ay nagkaroon kami ng relasyon ni Eddie pero hindi kami nagkatuluyan. Dito papasok ang vow sa marriage na ‘til death do us part’,” sabi ni Gina.

Maraming pinagdaanan ang aktres kung love life ang pag-uusapan. Pero ang mahalaga raw ay masaya siya sa kanyang pribadong buhay kapiling ang anak na si Raquel at ang mga alaga niyang aso.

Laking pasasalamat ni Gina at hanggang ngayon ay may mga movie producers na nagtitiwala sa kakayahan niya sa sining ng pagganap. Pakiramdam din kasi niya ay hindi siya kumpleto kapag hindi siya umaarte.

“It is the one thing which makes me happy,” patapos na wika ng batikang aktres.

Kabilang ang Hintayan sa Langit sa mga ipalalabas sa QCinema 2018 film festival sa Oktubre 21-30.

-REMY UMEREZ