ISANG kapana-panabik na wide open race ang inaasahang magaganap sa pagsargo ng 7th annual J&P 10-Ball Cup Championships sa Oktubre 19 sa Superbowl Makati Cinema Square sa Makati City.

Tampok ang top executive cue artist mula Metro Manila at karatig na probinsiya ang magtutuos sa country’s longest-runnning executive billiards tournament kung saan ang first Filipino woman na naging world pool champion na si Rubilen Amit ang mangunguna sa pagbubukas ng simple opening ceremonies bago magsimula ang nasabing competition.

Inaasahan hihikayatin ni Amit ang mga kalahok sa 10-ball competition na lalu nilang pag-ibayuhin ang paglalaro sa napili nilang sport.

Ibabahagi rin ni Amit ang kanyang sikreto kaya naging isa siya sa pinakamagaling na manlalaro sa buong mundo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Makakasama ni Amit sa pagsasagawa ng ceremonial shot si national coach at International Billiards champion Rodolfo “Boy Samson” Luat kasama ang iba pang miyembro ng national team.

Si defending champion engineer Vergel Recaido na sariwa pa sa third place finish sa CueSpot Lounge 8 ball tournament nitong Setyembre 9, 2018, ang hinuhulmang top favorite sa event na magkatuwang na inorganisa nina long-time billiards patron sportsman/businessman Aristeo “Putch” Puyat at DMC Entertainment and Production management boss Jesse Gonzales Cambosa Sr., na nakalatag ang P40,000 at trophy sa magkakampeon.

Nakalaan sa second placer ang P20,000 habang ibubulsa naman ng third placer ang P10,000.

Kalahok din sina Blogger Leslie “Anitokid” Mapugay, Dr. Christian Mancao, Broadcaster Sam Nielsen Sarmiento, Banker Mel Austria, Businessman Michael Cua and Esteban Robles, Artist Popoy Cusi, expat players Tim Gosnell, Jean Michel Berille, Jason Pye at Architect Eric Salud