KAPAPANALO pa lang ni Kyline Alcantara bilang Best Supporting Actress sa PMPC Star Awards para sa Kambal Karibal, heto at may bago na naman siyang award, at international pa.

Kyline

Si Kyline ang nanalong Best Actress in a Supporting Role para sa Kambal Karibal, sa Asian Academy Creative Awards 2018. Sa December ang awarding ceremonies sa Singapore.

Ayon sa manager ni Kyline na si Manny Vallester, tuwang-tuwa si Kyline sa panibagong award na natanggap nito, lalo na at international, her first international acting award. Nangako raw si Kyline na mas gagalingan pa ang acting sa mga susunod niyang teleserye.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

May bago ngang teleserye si Kyline, and this time, bida na siya. Ito ang Kidnap kasama niya si Therese Malvar, gayundin sina Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, at Gabby Eigenmann.

Hindi lang natuloy kahapon, October 17, ang storycon dahil wala pang makitang leading man nina Kyline at Therese, kaya next week na ang bagong schedule ng storycon.

Anyway, si Gabby ang nanalong Best Actor in a Supporting Role para sa Contessa, at si Miguel Tanfelix, na kasama ni Kyline sa Kambal Karibal, ang nanalong Best Actor in a Leading Role.

Samantala, dahil sa bagong award na ito ni Kyline ay tiyak na mas masaya ang grand launching niya bilang endorser ng Simply G shampoo sa Monday.

-NITZ MIRALLES