Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang walong private emission testing center (PETCs) na napatunayang namemeke umano ng emission test results.

Sa abiso ng DOTr, sa pamamagitan ng Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES), kabilang sa mga PETC na pinatawan ng suspensiyon nitong Oktubre 10, 2018 ang Carolina Emission Testing Center sa Barangay Maturanoc, Guimba, Nueva Ecija; Cotabs Emission Testing Center sa Sinsuat Avenue, Cotabato City; E-Care Motor Vehicle Emission Testing Center sa Poblacion III, Tagbilaran City, Bohol; St. Clare Emission Testing Center Co.-Pila Branch sa Bgy. Sta. Clara Sur, Pila, Laguna; Vill Enterprises sa Bgy. Sta. Cruz, Ligao City, Albay.

Sinuspinde rin ang Villa Emission Testing Center sa Bgy. Sampinit, Bago City, Negros Occidental; at Villa Emission Testing Center sa Bgy. Balintawak, Escalante City, Negros Occidental.

Nitong Oktubre 11, naging epektibo naman ang suspensiyon sa J & A Smoke Emission Testing, na nasa Pido Street, Bgy. Rawis, Calbayog City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The said PETCs’ preliminary suspension issued last October 10 & 11, 2018 was made pursuant to DOTr’s Department Order 2016-017, after the emission centers were caught to have falsified test results or entered false information regarding tested vehicles,” anang DOTr.

Binigyan din ng kopya ng suspension order ang mga PETC IT Service Provider, na papatawan ng kahalintulad na parusa kung babalewalain ang direktiba ng DOTr.

-Mary Ann Santiago