Ipinanukala ni Senador Win Gatchalian na ipagbawal ang pagbenta ng sasakyan sa mga walang parking space upang mabawasan ang problema sa trapiko.

Idinahilan ng senador, ginagawang parking space ng mga car owner ang kalsada sa tapat ng kanilang bahay kaya’t nagdudulot ito ng pagsikip.

Sa talaan ng Land Transportation Office (LTO), umabot na sa 10,410,814 ang mga rehistradong may-ari ng sasakyan noong 2017.

May 1,000 sasakyan ang napaparehistro bawat araw, at 600 nito ang bago.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kanyang Senate Bill No. 201 o Proof-of-Parking Space Act, kailangang ipakita ito sa LTO bago mabigyan ng rehistro ang may-ari ng sasakyan.

“The concept really here is responsibility when you buy vehicles. We are now putting the responsibility on the car owners. If you buy cars, you have to make sure that you have a parking space for your own vehicle,” ani Gatchalian.

Kailangan din na ipakita ang affidavit na mayroon nakalaang espasyo para sa parking, nabili man o kaya uupahang lugar.

Inaatasan din ng panukala ang LTO, Metro Manila Development Authority (MMDA), local government units na magsagawa ng mga regular na inspeksyon sa mga lugar at magsagawa rin ng clearing operations upang masugpo ang illegal parking.

“It is better to have a national policy so that the local governments may impose that national law. The local government are also quite sensitive to the comments of their own constituency. In this proposal, we are giving them ample time to locate their own parking spaces,” ayon pa sa senador.

-Leonel M. Abasola