Sailing at Wrestling, may pinakamalaking utang sa PSC; 17 iba pang NSAs bigo sa ‘deadline’

NANINDIGAN si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman na walang matatanggap na ‘financial assistance’ ang Philippine Olympic Committee (POC) at mga National Sports Associations (NSAs) matapos mabigong ma-liquidate ang mga nakalipas na ‘utang’.

RAMIREZ: Pasensyahan tayo

RAMIREZ: Pasensyahan tayo

“Pasensyahan na tayo, pero hindi na kami magre-release ng financial assistance until they clear all their unliquidated cash advances,” pahayag ni Ramirez.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matapos ang palugit na ibinigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga NSAs at sa POC para maisumite ang liquidation report sa katapusan ng Agosto, ilan lamang ang tumalima sa memoramdum ng sports agency.

“We give them enough time, pero ilan lang ang sumunod. Kami sa PSC ang mapupulan ng taong-bayan dahil pera ng tax payers itong ginamit nila. We already consulted our legal team para sa legal remedy para mahabol natin yung milyon-milyon na utang ng mga NSA at POC,” pahayag ni Ramirez.

Sa pinakabagong report ng PSC Accounting may kabuuang P110, 062,643.61 milyon ang unliquidated advances ng mga NSAs, habang may P10,071,062.61 na utang ang POC.

Bago ang deadline na itinakda, tanging ang asosasyon ng Phil Soft Tennis, Squash Rocket Academy, tennis, at taekwondo ang may malinis na record sa PSC.

Samantala, umabot naman sa deadline ang Philippine Amateur Track and Field Association (P787,500.00), Philippine Swimming League (199,200.00), Philippine Swimming Inc. (P9,940,536.75), at Philippine Shooting Association (P525,000.00).

Ang Philippine Sailing Association (PSA) na pinamumunuan ni Ernesto Echauz ang may pinakamalaking ‘unliquidated advances’ na P14,225,181,01, kasunod ang Wrestling Association of the Philippines (WAP) na may cash advances na P8,295,049.99.

Kabilang sa mga NSA na hindi tumalima sa deadline ng PSC ang Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (P2,577,709.12), Philippine Weightlifting Association (P1,866.907.00) at Philippine Aquatic Sports Association (P2,953,112.71).

-ANNIE ABAD