LALARGA ang pinaka-aabangan na Mayor Jojo Palma at Atty. Titing Albaño Tatluhan Chess Tournament sa Nobyembre 18, 2018 na gaganapin sa Heros Hall, AIM Coop sa Aurora, Zamboanga del Sur.

Ang mga kalahok sa torneong ito na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines ay masisilayan sa 7-Round Swiss System format, 15 minutes plus 10 seconds increment bawat manlalaro para tapusin ang laro sa event na inorganisa ng Knights of the Square Table-Mindchess na suportado ng LGU ng Aurora, New York based Atty. Geronimo “Gerry” Albano and Glenn Romanillos ng 8990 Holdings Inc.

Ayon kay tournament director Wilhelm Joey Ardiente ang required average rating sa rapid team event ay 2050 base sa August 2018 NCFP rating list.

“Fide laws of Chess Rapid Play shall govern the tournament,” sabi ni Tournament director Wilhelm Joey Ardiente.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ang winning team ay tatangap ng P40,000 at trophy, habang ang next four winners ay magbubulsa ng tig P30,000 at trophy, P20,000 at trophy, P,5000 at P4,000, ayon sa pagkakasunod.

Nakalaan naman sa sixth hanggang tenth placers ang tig P3,000.

Ang iba pang special prizes ay best uniform (P3,000), top junior (P2,000), top kiddies (P2,000), at ang tatlong top performer sa board one hanggang three (tig P3,000,P2,000 at P1,000).

Hanapin si Tournament director Wilhelm Joey Ardiente sa mobile number: (0917-888-5568) para sa dagdag detalye