PINANOOD ni IBF junior bantamweight champion Jerwin Ancajas kung paano tinalo ni WBC super flyweight champion Srisaket Sor Rungvisai sa puntos si Mexican challenger Iran Diaz sa Impact Arena sa Pak Kret, Thailand at naniniwala ang Pinoy boxer na kaya niyang talunin ang Thai world champion sa unification bout.

“Kaya natin si Srisaket, hindi naman gaano maanong malakas sumuntok,” sabi ni Ancajas sa Balita.

“Sana mai-schedule ang laban naming bago ako lumpit sa bantamweight division.”

Tumabla si Ancajas kay Mexican Alejandro Santiago Barrios sa kanyang huling depensa nitong Setyembre 29, 2018 sa Oracle Arena, Oakland, California sa United States kaya naisipan niyang umakyat na ng timbang.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naniniwala maging ang trainer at manedyer ni Ancajas na si Joven Jimenez na malaki ang tsansa ng IBF super flyweight champion kung makakalaban si Srisaket.

“May pag-asa si Jerwin, mas mahina ngayon,” sambit ni Jimenez. “Ine-negotiate pa namin ‘yung laban.”

Napatanyag si Srisaket nang maunugusan ang dating ing WBC super flyweight champion Roman “Chocolatito” Gonzalez ng Nicaragua noong Marso 18, 2017 sa Madison Square Garden sa New York City. Sa kanilang rematch, pinatulog ni Srisaket si Gonzalez sa 4th round noong Setyembre 9, 2017 sa StubHub Center, Carson, California.

May rekord ngayon si Srisaket na 47-4-1 na may 41 pagwawagi sa knockouts kumpara kay na may kartadang 30-1-2 na may 20 panalo sa knockouts.

-Gilbert Espeña