Posibleng tumaas pa ang inflation rate ngayong papalapit na Christmas season.

Idinahilan ni Department of Finance (DoF) Assistant Secretary Tony Lambino, tiyak na tataas ang konsumo o demand sa mga bilihin sa holiday season, na makakaapekto sa inflation.

Nakatuon ngayon sa supply side, o pagpaparami ng mga supply ng mga Christmas items, para hindi masyadong tumaas ang mga presyo nito sa merkado.

Makakadagdag din, aniya, sa pagtaas pa ng presyo ng bilihin ang paggalaw ng international oil price.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Paliwanag pa ng kaagwaran, karamihan sa mga produkto ngayon ay nakadepende sa langis, mula sa produksiyon hanggang sa delivery sa mga pamilihan o sa mga consumers.

-Beth Camia