GINAPI ni PBE Don Donald Gimperoso ang pinakamatitikas na Street Fighter V: Arcade Edition player sa bansa upang angkinin ang Kumite title at makausad sa global Last Chance Qualifier ng Red Bull Kumite Finals sa Paris, France sa Nobyembre.

Ginanap ang torneo sa Chaos Nightclub ng City of Dreams, Manila.

“I’m very happy since I won the tournament,” pahayag ni Gimperoso.

“It was a close match. My opponent made last minute adjustments and I had a hard time closing out the game.”

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Nasa ikaapat na edisyon, ang Red Bull Kumite ay nagtatampok sa pinakamahuhusay na top Street Fighter V: Arcade Edition players. Ang mga nagwawagi rito ay isinasabak sa e-sports event sa iba’t ibang bansa kabilang na Japan, United Kingdom, at Hong Kong.

Ang Red Bull Kumite ay may tatlong stages:

Qualifiers: Walong bansa ang maglalaban sa online at offline tournaments

Last Chance Qualifier: Kabuuang 256 players ang maghaharap para sa huling dalawang spots sa World Finals

World Finals: Maglalaban ang 16 na finalists at ang malalabi ay tatanghaling Street Fighter V players.

Sa huli, tanging sina PBE Don Donald Gimperoso at PBE Jamse (James Prado) ang naglaban.

“I’m happy with my performance,” sambit ni Prado.

“PBE Don is my demon. Locally, he is a beast who defeats everyone. I could hardly beat him before, so now it was an achievement for me to be able to match him through three consecutive rounds.”

Isang tunay na beterano sa laban si Gimperoso na sumasabak sa iba’t ibang torneo.

“I’m used to competing at a big stage,” pahayag ni Gimperoso. “There’s very little pressure for me. I’m excited, and I expect the best players from around the world. My strategy is to watch their matches online and familiarize myself with their move set,” aniya.