Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

12:00 n.h. -- EAC vs Mapua

2:00 n.h. -- JRU vs Arellano

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

4:00 n.h. -- Letran vs. Lyceum

TATLONG koponan na lamang ang nalalabing balakid sa kampanya ng Lyceum of the Philippines University Pirates sa double round elimination. Wala nang ‘sweep’, ngunit target ng Pirates na makamit ang No.1 spot sa Final Four sa ikalawang sunod na season.

Nabigo ang Pirates na maduplika ang 18-game elimination sweep sa nakalipas na taon nang masilat ng Perpetual Help Altas, 81-83. Sa kabila nito, nanatiling nasa top seed ang Lyceum sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament.

Haharapin ng Lyceum ang Letran ganap na 2:00 ng hapon.

Nakabuntot ang defending champion San Beda (13-1) na may laro kahapon habang isinasara ang pahinang ito, habang ang Knights ay may markang 10-4.

Inaasahan ni Pirates coach Topex Robinson na magandang buwelo para sa pagsabak sa kanilang natitirang tatlong laban ang nakaraang panalo nila kontra Mapua Cardinals.

“There’s so much lessons from losing,” ani Robinson na tinutukoy ang nakaraang kabiguan sa kamay ng Perpetual.

“It’s going to be tough in our next three games but this game is a good preparation for us,” aniya.

May tsansa pa sa twice-to-beat incentive, sisikapin naman ng Knights na makabawi sa kabiguan sa kamay ng Pirates noong first round at walisin ang susunod pang tatlong laro upang makasingit sa top two spots.

-Marivic Awitan