TOKYO (Reuters) – Isang malakas na lindol ang yumanig kahapon sa parehong lugar sa isla ng Hokkaido sa dulong hilaga ng Japan na tinamaan ng isa sa pinakamalakas na lindol sa bansa nitong nakaraang buwan.

Ang lindol, tumama dakong 8:58 ng umaga, ay may preliminary magnitude na 5.3, at nasa kategoryang ‘weak 5’ sa quake intensity scale ng Japan na 1 hanggang 7, na 7 ang pinakamalakas, sinabi ng Japanese broadcaster na NHK.

Walang panganib ng tsunami mula sa lindol, ayon dito.

Sinabi ng U.S. Geological Survey na ang lindol na nasa sukat na 5.2 magnitude, ay 42 km ang lalim at nakasentro sa southern coast ng Hokkaido.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina