Ngayong linggo inaasahang magsusumite ng komento ang Bureau of Immigration sa Department of Justice (DoJ) sa apela ng Australian missionary na si Sr. Patricia Fox para makapanatili sa bansa.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos umapela ang madre sa deportation order laban sa kanya dahil sa umano’y pagsali sa mga protesta laban sa gobyerno.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni Fox na ang deportation order ng BI ay ibinatay lamang sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay ‘undesirable alien’.

Ayon kay Fox, walang mali sa pagsama niya sa ilang pagtitipon ng mga magsasaka.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

Iginiit niya na ang pagdalo sa mga aktibidad na nananawagan para sa katarungang panlipunan at paggalang sa karapatang pantao ay bahagi ng kanyang missionary work.

-Beth Camia