NAGKALOOB ng isang ambulansiya na nagkakahalaga ng P1.45 milyon ang isang Small Town Lottery (STL) operator, sa pakikipagtulungan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa Provincial Capitol of Compostela Valley Province nitong Lunes, ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan.

“Nakikita lang natin na ang ating STL ay tumutulong at nagbibigay ng ayuda sa mga local government units as part of their CSR (corporate social responsibility) at no cost to the municipality, even to PCSO,”pahayag ni Balutan.

Ang naturang ambulansiya ay kaloob ng Oro Swerte Gaming and Leisure Corp., na pinamumunuan ni Atty. Maceste Uy, ang lehitimong PCSO’s authorized STL agent (ASA) sa lalawigan ng Compostela Valley.

Nagsimulang mag-operate ang Oro Swerte noong September 20, 2017 at sa kasalukuyan ay mayroong 500 empleyado, kabilang ang sales agents at administrative staff.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

“Oro Swerte has consistently exceeded its Guaranteed Monthly Retail Receipt (GMRR),” pahayag ni Atty. Ravena Joy Rama, branch manager, PCSO Davao del Norte branch.