KUALA LUMPUR, Malaysia (AP) — Sumumpang not guilty kahapon ang nakadetineng asawa ni dating Malaysian Prime Minister Najjib Razak sa pagtatago ng illegal proceeds mula sa graft scandal sa 1MDB state investment fund na nagresulta sa pagkatalo sa halalan ng kanyang mister.

Si Rosmah Mansor ay kinasuhan ng 12 counts ng pagtanggap ng proceeds mula sa mga ilegal na aktibidad na may kabuuang 7.1 milyon ringgit ($1.7M) sa kanyang bank account mula 2013 hanggang 2017. Lima pang counts laban sa kanya sa diumano’y kabiguang ideklara ang buwis sa perang kanyang tinanggap.

Humarap si Rosmah sa korte at inaasahang makalalaya matapos magpiyansa habang itinatakda ng korte ang petsa ng paglilitis. Inaresto siya ng anti-graft agency nitong Miyerkules matapos kuwestiyunin sa ikatlong pagkakataon kaugnay sa diumano’y theft at money laundering sa fund.

Kapag napatunayang nagkasala, mahaharap siya sa lima hanggang 15 taong pagkakakulong at posibleng mga multa sa bawat kaso.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang mister niyang si Najib ay humarap din sa korte kahapon para sa sarili nitong kaso kaugnay sa 1MDB scandal. Sumumpa siyang not guilty sa multiple counts ng money laundering, corruption, abuse of power at criminal breach of trust at nakatakdang lilitisin sa susunod na taon.