Tumangging magtrabaho ang 20 overseas Filipino workers (OFW) sa Jeddah, Saudi Arabia na hindi pinasuweldo at hindi binigyan ng food allowance ng kanilang kumpanya, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Iniulat ng Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah na nanunuluyan ngayon sa Bahay Kalinga ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang 20 Pinoy at inaayos na ang kanilang repatriation.

Sinabi ni Consul General Edgar Badajos na kinuha nina Labor Attaché Nasser Munder at Welfare Officer Yolanda Peñaranda ang kustodiya ng 20 Pinoy na nag-strike sa trabaho dahil hindi sila sinusuwelduhan at binibigyan ng food allowance sa loob ng dalawang buwan. Ang mga ito ay nagtrabaho bilang mga tagalinis sa mga ospital sa Jeddah at kabahayan.

-Bella Gamotea
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji