Isang linggo bago ang kanyang pagreretiro sa puwesto, ipinag-utos ni Supreme Court (SC) Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro ang pagbalasa sa hanay ng mga mahistrado, na bahagi ng Senate Electoral Tribunal (SET) at House of Representatives Electoral Tribunal (HRET).

Sa ilalim ng 1987 Constitution, mandato ng SET at HRET na magpasya sa mga electoral protest ng mga kumandidato sa pagkasenador at pagkakongresista.

Sa Special Order 2589, itinalaga ni De Castro ang mga kasalukuyang senior justice ng Korte Suprema sa mga electoral tribunal.

Si Senior Associate Justice Antonio Carpio ang uupong chairperson ng SET, habang miyembro naman sina Justices Lucas Bersamin at Estela Perlas- Bernabe.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Itinalagang HRET chairperson si Justice Diosdado Peralta, at miyembro sina Justices Mariano del Castillo at Marvic Leonen.

-Beth Camia