SI Alden Richards ang itinanghal na 2018 Sexiest Man in the Philippines, sa online poll ng entertainment blog na Starmometer.

Alden copy

Mga fans ang bumoto kay Alden, na ayon sa Twitter account ng blog ay breakthrough ang panalo ng Pambansang Bae. Sa eleven years na kasaysayan ng nasabing online poll, ngayon lang nangyari na nakuha ng isang Kapuso actor ang title. Madalas ay Kapamilya actors ang nangunguna sa nasabing listahan ng sexiest man sa Pilipinas.

This year, tinalong lahat ng bida ng Victor Magtanggol ang mga Kapamilya actors. Nakakuha si Alden ng 39.83 percent ng votes, habang ang kasunod niyang si James Reid ay mayroon namang 15.52%, kabuntot si JM de Guzman, na may 13.71%.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Number four si Carlo Aquino, at panglima si Xian Lim, kasunod sina Daniel Padilla, Coco Martin, Dingdong Dantes, Elmo Magalona, at kinumpleto ni Enrique Gil ang top 10.

Nasa taping si Alden ng kanyang action-drama-fantasy na Victor Magtanggol nang ibalita sa kanya ang resulta ng online poll, kaya nagpa-abot siya ng pasasalamat sa lahat ng bumoto, at patuloy na sumusuporta sa kanya.

-NORA V. CALDERON