STOCKHOLM (AFP) – Ang paghahayag kahapon ng Nobel Medicine Prize ang nagbukas sa awards season ngayong taon, na sa unang pagkakataon sa loob ng 70 taon ay walang Literature Prize dahil sa #MeToo scandal.

Tulad bawat taon, mainit ang hulaan ng Nobel aficionados sa mga posibleng magwawagi, na ibinibigay sa mga karapat-dapat na kandidato sa mga larangan ng medicine, physics, chemistry, peace at economics.

Unang naghayag ng kanyang napiling laureates nitong Lunes ng umaga ang medicine prize committee sa Karolinska Institute ng Stockholm.

Ngunit bahagya itong natabunan ng pagbaba din ng hatol ng Stockholm court sa Frenchman na si Jean-Claude Arnault, na kinasuhan ng rape.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Ang malapit niyang relasyon sa Swedish Academy, naggagawad ng Nobel Literature Prize, ay nagdulot ng eskandalo at malalim na alitan sa Academy, dahilan para ipagpaliban ng isang taon ang prize ngayong taon.

Ito ang unang pagkakataon na ipinagpaliban ang prize simula nang iginawad ang 1949 honour ni William Faulkner noong 1950.

Dahil walang Literature Prize ngayong taon, ang pinakaabangang award ngayon ay ang para sa Peace, na ipapahayag sa Biyernes sa Oslo.