Inaasahang hindi na makakapamayagpag pa ang mga flying voters sa susunod na mga botohan sa bansa.

Tinapos na ng Commission on Elections (Comelec) ang maliligayang halalan ng mga flying voters sa pamamagitan ng Voter Registration Verification System (VRVS), na sisimulang gamitin ng komisyon sa mid-term elections sa Mayo 13, 2019.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, plano nilang magpakalat ng 32,067 VRVS units sa ilang pilot areas sa bansa para sa eleksiyon sa Mayo.

Sinabi ni Jimenez na sa mismong araw ng halalan ay hindi na kakailanganin ng mga botante sa mga VRVS areas na magdala o magpakita ng identification (ID) card bago bumoto.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya, kinakailangan na lang na ipa-scan ng botante ang kanyang fingerprint upang matukoy kung rehistrado ito sa naturang lugar, at sa oras na makumpirma ito ay bibigyan na ng balota ng election officer.

“This is a step forward in our fight against flying voters,” pahayag pa ni Jimenez.

-MARY ANN SANTIAGO