BUNSOD nang mainit na pagtanggap ng ‘bayang sabungero’, ipinahayag ng organizers ng 2018 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby ang paglarga ng ‘Breeders 2’ sa Nobyembre.

Ipinahayag ang desisyon, habang isinasagawa ang Finals ng Pitmasters Cup kahapon sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.

Itinankda ang Breeders Cup-2 sa Nobyembre 15-25.

Kung ang Master Breeders-1 ay labanan ng mga local association banded stags, ang ikalawang edisyon ay natatangi para sa mga Bakbakan-banded at Digmaan-banded na mga manok-panabong lamang.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May garantisadong premyo na P15 milyong piso na pwedeng muling lumobo hanggang mahigit sa P34M katulad ng nangyari sa una matapos na magrehistro ng 440 entries. Ang entry fee ay P88,000 at ang pinakamaliit na pusta sa bawat laban ay P55,000.

Bilang karagdagan sa 9-stag international derby, muling magkakaroon ng isang one-day 7-stag big event na may entry fee na P220,000.

Handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, kaagapay sina Eric dela Rosa & Ka Lando Luzong, ang world-class event na ito ay suportado ng gold sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan& Thunderbird Bexan XP.

Sa Nob. 15, 16 & 17 gaganapin ang tatlong magkakahiwalay na 2-stag eliminations; susundan ng one-day 7-stag big event sa Nob. 18. Ang tatlong 3-stag semis ay gagawin sa Nob. 19, 20 & 21. Ang 4-stag finals para sa lahat ng makaka-iskor ng 2, 2.5, 3 or 3.5 puntos pagkatapos ng semis ay maghaharap sa Nob. 23, samantalang ang mga may tig- 4, 4.5 o 5 puntos ay magtutuos para sa korona sa Nob. 25 grand finals.

Lahat ng interesadong lumahok ay maaring makipag-ugnayan sa Facebook Page 2018 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby o magtext o tumawag kay Kate sa cellphone number 0927-8419979.