WALANG naganap na rebelyon sa hanay ng Philippine Olympic Committee (POC), ngunit naging masalimuot ang tagpo sa ginanap na General Assembly meeting nitong Huwebes sa Meralco Building. sa Ortigas,Pasig City.

Hindi nagkaroon ng katuparan ang inaasahang ‘vote of no confidence’ laban kay POC president Ricky Vargas, ngunit lumikha rin ng kontrobersya ang ilang desisyon na ipinasa ng mga kaalyado ni Vargas,kabilang ang bangayan sa pagitan nina weightlifting president at dating POC chairman Monico Puentevella at squash chief at membership committee head Richard Bachman.

Hindi nasunod ang naitakdang oras na alas-12 ng tanghali, para sa nasabing GA, gayung inabot ng mahigit apat na oras ang Executive Board Meeting na nagsimula ng alas-10 ng umaga.

Kinuwestyon ni Puentevelala, dating Mayor ng Bacolod City ang aniya’y mabilis na pagtanggap sa eleksiyon ni Peter Cayco ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc.(LVPI), gayung walapang inilalabas na resolosyon hingil sa apala ng Philippine Volleyball Federation (PVF) na pinamumunuan ni Edgardo “Tito Boy’ Cantada.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Ang sa akin lang naman po Mr. President, kung dumaan po ba sila sa tamang proseso kasi ako matagal na kaming nag- aapply and til now we are a just probationary. Masakit lang po para sa akin na sila agad agad na recognized habang kami kailangan pang dumaan sa mga requirements at kung anu ano pa, " pahayag ni Puentevella.

Ang LVPI ay binuo ng dating administrasyon ni Jose ‘Peping’ Cojuangco sa kabila ng kawalan ng pormal na desisyon ng GA hingil sa katayuan ng PVF. Ang desisyon ng POC ang nagging batayin rin ng Internatioinal Volleyball Federeation (FIVB) para tanggapin bilang ‘probationary member’ habang dinidinig pa ang apela ng PVF.

“Ang hinihintay lang namin yung mabigyan kami ng tamang proseso. Aapela uli kami and hopefully mapakinggan kami ni Mr.Vargas. During Cojuangco’s leadership, hindi kami napagbigyan,ngayon umaasapa rin naman kami,” pahayag ni Cantada.

Ibinigay din ng POC ang recognition saelection ng Triathlon, pagkilala sa netball Philippines bilang regular na miyembro at pagkilala sa world sikaran brotherhood.

Ayon Kay Bachmann, dumaan sa tamang proseso ang isyu ng LVPI at ikigiinit na dapat ipagpasalamat ni Puentevella ang pagkilala sa kanya kahit probationary status.

"He should be thankful. Because he is under provision that's why POC recognizes him. He should not questioned such thing, kasi lahat 'yan may documents. and I was the one who checked on it.Magpasalamat na lang siya," ayon kay Bachmann.

Samantala, ipinahayag din ng POC ang kanilang pagkilala kay Chito Loyzaga bilang pinuno ng Baseball Association

-Annie Abad