SYDNEY (Reuters) – Nasagip kahapon ng isang flotilla ng maliliit na bangka ang lahat ng 47 pasahero at crew mula sa Air Niugini flight na kinapos sa runway at bumulusok sa dagat sa paliparan sa Micronesia, isang maliit na bansa sa South Pacific, sinabi ng airport manager.

“It was supposed to land but instead of landing it was 150 yards short and she went down,” sinabi ni Jimmy Emilio, general manager ng Chuuk Airport sa Weno sa Micronesia, sa telepono.

“We don’t really know what happened ... people were rescued by boats - 36 passengers and 11 crew were all rescued, only the plane is sinking right now,” aniya.

Tumama ang Boeing 737 aircraft sa lagoon na nakapalibot sa maliit na isla dakong 9.30 a.m. local time, ayon kay Emilio. Dinala ang mga pasahero at crew sa ospital at wala namang seryosong napinsala, ayon sa ulat.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture