Nanawagan kahapon si House Senior Deputy Minority Leader Jose Atienza Jr. (Party-list, Buhay) sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pagbutihin ang pagsusuri sa mga lokal na pelikula upang mabigyan ng angkop na tax incentives at matiyak ang kalidad ng mga ito.

Hiniling niya ito sa plenary deliberation sa Kamara ng panukalang P120.5 milyon budget ng FDCP sa 2019.

Binanggit ni Committee on Appropriations Vice Chairman Rep. Eric Olivarez (1st District, Parañaque City) na nagtaguyod sa FDCP budget, na nakagawa ang bansa ng 120 pelikula noong 2017.

Sa ngayon, maraming local films ang ipinalalabas sa ibang bansa at tumatanggap ng mga award.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

-Bert de Guzman