PATIENCE pays off para kay Yassi Pressman para makamit ang showbiz fame o popularity. Kilala siya ngayon bilang si Alyana, ang screen wife ni Cardo sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsiyano. Aware si Yassi sa mga usap-usapan na binibigyan ng ibang kahulugan ng ibang tao ang closeness nila ni Coco Martin.

Yassi

Pero kahit ganoon ay tinatawanan na lamang niya ang mga maling paratang. Hindi na lamang daw niya pinapatulan ang bashers dahil hahaba lamang ito.

“Mahal ng buong cast si Coco dahil maalalahanin siya at maasikaso. Gusto niya komportable at nakangiti ang lahat sa set,” sabi ni Yassi.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kasama si Yassi sa cast ng pelikulang Para sa Broken Hearted mula sa Viva Films. Siya ang gaganap na Shalee sa istorya na may gusto kay Sam Concepcion pero malalaman niyang may ibang ka-relasyon si Sam at hayun, broken-hearted siya.

Bilang si Yassi naman, payo niya sa mga taong wasak: “Mahirap makapag-move on sa simula pero kailangan. Iyakan mo ang karanasan dahil nakatutulong ito at learn from the painful experience”.

-REMY UMEREZ