Sa kabila ng mga pahayag ni dating Senador Juan Ponce Enrile, sinabi ng Malacañang na walang kuwestiyon na nagkaroon ng mga paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng rehimen ng yumaong si Pangulong Ferdinand Marcos, lalo na sa ilalim ng batas militar.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos sabihin ni Enrile sa panayam sa kanya ni dating Sen. Bongbong Marcos na wala ni isang inaresto dahil sa kanilang religious o political beliefs sa panahon ng martial law ni Marcos.

Sa kanyang press briefing kahapon, sinabi ni Roque na maaaring ang mga pahayag ni Enrile ay opinyon lamang niya ngunit iba ang pinatutunayan ng batas at ng mga desisyon ng korte.

“That’s his belief, he’s entitled to it. But as far as the Palace is concerned, there are decisions affirming that there were grave human rights violations committed during the Marcos regime. There’s even a law in Congress which provides for compensation for victims of martial law,” aniya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Naniniwala rin si Roque na imposibleng mababaluktot ng sinuman ang kasaysayan kung mayroong batas na tumutugon dito.

“I don’t think they can twist history when there’s a law and court decisions attesting to what happened during martial law,” aniya.

-Argyll Cyrus B. Geducos