Naging brutal ang sinapit na kamatayan ng isang dalaga na ginahasa at pinagtataga ng hindi pa nakilalang lalaki sa kanyang bahay sa Kidapawan City, North Cotabato, kamakailan.

Kinilala ng Kidapawan City Police Office ang biktima na si Angelica Fernandez Luzuriaga, alyas “Angel”, namamamasukan sa isang motorshop, ng Purok 7, Barangay Lanao ng nasabing lungsod.

Sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, ang bangkay ni Luzuriaga ay natagpuan ng kanyang mga kamag-anak sa loob ng kanyang silid.

Ayon kay Kidapawan City Police chief, Supt. Ramel Hojilla, tadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na positibo umanong ginahasa pa bago pinatay.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nag-iisa lamang umano ang dalaga na natulog sa kanilang bahay dahil nagtungo sa Davao City ang kanyang mga magulang.

Hiningan kaagad ng tulong si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at ipinarating na rin kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang kaso.

Dahil dito, pinakikilos na ni Albayalde si Police Regional Office (PRO)-12 Director Chief Supt. Tam Rasco, at ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang matukoy at madakip ang suspek sa nabanggit na krimen.

-FER TABOY