CALIFORNIA (AFP) — Hindi na magbibigay ang mga restaurant sa California ng plastic straws maliban kung hihingin ito mismo ng customer, sa ilalim ng bagong batas na nilagdaan nitong Huwebes ng environment-friendly governor ng estado.
Sinabi ni Governor Jerry Brown na umaasa siya na ang hakbang -- magkakabisa sa susunod na taon at sa buong bansa -- ay maghihikayat sa maraming tao “ to pause and think” bago humiling ng straw.
“It is a very small step to make a customer who wants a plastic straw ask for it,” sinabi ni Brown. “But one thing is clear -- we must find ways to reduce and eventually eliminate single-use plastic products.”
Sa ilalim ng bagong batas, ang restaurants na hindi susunod ay makatatanggap ng dalawang babala bago pagmumultahin ng $300 kada taon.
Dumating ang bagong batas sa gitna ng paglawak ng kamalayan tungkol sa pandaigdigang krisis sa plastic waste.