INIAALAY ni Joshua Pacio ang laban kontra Japanese Yoshitaka Naito sa One Championship strawweight title sa Sabado sa Thailand para sa mga kababayan sa Cordillera na nasalanta ng bagyong ‘Ompong’.

Tulad ni Pacio, at mga miyembro ng Team Lakay, pawang nagmula ang grupo ng matitikas na mixed martial arts sa bulubunduking bahagi ng Northern Luzon na pinakaapektado nang tumama ang bagyo nitong weekend kung saan nagiwan ng kasiraan sa ari-arian at pananim.

“Of course, we want to win our bouts on Saturday. We dedicate this to the people of the Cordilleras,” pahayag ni Pacio, tangan ang 12-2 record.

“Ang panalo namin ay makatulong para ma-uplift ang spirits nila sa napakahirap na panahon na ito. After our bouts, lahat kami sa Team Lakay, hindi lang kami ni Danny (Kingad), ay willing to help sa mga relief efforts,” aniya.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Galing ang 22-anyos na slugger sa impresibong submission victory kontra Pongsiri Mitsatit.

“This isn’t the same Pacio from two years ago which almost took the crown from Naito, and he vows to bring the fight to the master Japanese tactician this time around. He is “Safe naman kami. May ilang teammates kami na tinamaan talaga ng bagyo, tulad nila coach Geje (Eustaquio). Pero di naman gaano kalala. Thankful kami at di naapektuhan karamihan sa amin,” sambit ni Pacio.